Condom mula sa US may pores– Ping

NAGBABALA ang isang senador sa publiko na huwag magtiwala sa paggamit ng condom bilang pangontra sa pagbubuntis ng isang babae o sa human immunodeficiency virus (HIV) dahil mayroon itong pores tulad sa balat kung saan lumalabas ang pawis.

Sa isinagawang debate sa Reproductive Health (RH) Bill sa Senado, iginiit ni Sen. Panfilo Lacson sa gobyerno na huwag paasahin ang publiko hinggil sa kaligtasan ng paggamit ng condom dahil maaari pa ring mabuntis ang isang babae o kaya ay magkahawaan ng HIV.

Binanggit ni Lacson na ang naging pag-aaral ng Georgetown Medical University and National Institute of Health noong Setyembre 1, 1988 na ang ‘latex gloves’ na may mas mataas na specifications kaysa sa condom ay may pores na 50 beses ang laki kaysa sa 0.1 micron HIV.

Ibig sabihin nito, kayang lumusot ng HIV virus sa latex gloves na mas makapal, lalo na kaya ang condom na mas manipis.

“What I’m trying to drive at is that when we promote the use of condoms I’m afraid there’ll be an increase of HIV incidents,” babala ni Lacson.

Ang kaligtasan ng paggamit ng condom ang isa sa isyung ibinato ni Lacson sa RH bill. Bukod dito, tinutulan din niya ang pagpapahintulot sa paggamit ng “morning after pill.”

Tiniyak naman ni Sen. Pia Cayetano, chair ng Senate committee on health and demography, na ligtas gamitin ang condom dahil epektibo ito para mapigil ang pagbubuntis at hawaan ng HIV at iba pang nakukuhang sakit sa pakikipagtalik.

Binanggit pa ni Cayetano na masyado nang luma ang iprinisintang pag-aaral ni Lacson dahil mayroon nang mga bagong pag-aaral hinggil sa pagiging epektibo ng condom.

Ngunit hindi naman makapagbigay ng kasiguruhan si Cayetano sa tanong ni Lacson kung may “pores” pa rin sa condom tulad ng “skin pores” ng tao kung saan lumalabas ang pawis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply