Convenience Store nilooban sa Baguio, P1.5M natangay

UMABOT sa P1.5 milyong cash at halaga ng mga produkto ang natangay ng limang hindi nakilalang mga holdapers sa isang convenience store sa lungsod ng Baguio kaninang madaling araw, Disyembre 6.

Ayon kay PNP spokesman C/Supt. Agrimero Cruz, Jr., pumasok ang limang suspek sa #927 Covenience Store at Ibay’s Silver Shop sa Lourdes Proper kasunod ng paggulpi at pagtali sa sekyu ng nasabing tindahan at kinuha ang service shotgun nito.

Kinuha ng mga suspek ang ilang alahas, mga alak, sigarilyo at cash ng hinoldap na tindahan.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa nangyari.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply