Convoy galing St. Luke’s patungong VMMC tumulak na

BUMIYAHE na pasado alas diyes ng umaga ang convoy na nanggaling sa St. Luke’s Medical Center sa Global City, Taguig patungong Veteran’s Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City

Base sa report ng dzMM, hindi pa naman malinaw kung sa nasabing convoy ay kasama na si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo.

Nabatid na binubuo ito ng tatlong police motorcycle, isang police car, isang ambulansya, tatlong pribadong sasakyan habang may dalawa pang police car at ilang police motorcycle sa dakong likuran.

Kapansin-pansin naman na sa bawat intersection na daraanan ng convoy ay may naka-deploy na mga pulis at pinatitigil ang trapiko habang nakakalat anga mga miyembro ng SWAT team.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply