Convoy ni GMA nakapasok na sa VMMC

NAKARATING na sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) ang convoy ni dating Pangulo, ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo makaraang lisanin ang St. Luke’s sa Taguig City.

Ganap na alas-3 ng hapon kanina nang ilabas sa St. Lukes ang dating pangulo sakay ng passenger coaster.

Matapos ang halos 30 minutong paglalakbay kasama ang kanyang convoy at mga hagad na miyembro ng Philippine National Police maayos na nakapasok sa VMMC si GMA.

Agad namang diniretso sa nakalaang presidential suite si GMA kung saan kanyang bubunuin ang desisyon ng korte na hospital arrest dahil sa kanyang kasong electoral sabotage.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply