Coaster sinakyan ni GMA papuntang VMMC

SAKAY ng passenger coaster nang umalis sa bisinidad ng St. Luke’s ang kampo ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ngayon ay Pampanga congresswoman.

Nabatid na lumabas si GMA sa likuran ng St. Lukes saka sumakay sa coaster para lumipat na sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Ilang minuto lang ay nauna ang convoy ng ambulansiya at mga miyembro ng Philippine National Police nang umalis sa nasabing pagamutan nang walang katiyakan kung saan nakasakay ang dating Pangulo.

Kasalukuyan namang nakikibaka sa mabigat na trapiko ang convoy ng dating pangulo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply