Joker: Corona at PNoy malabong magkasundo

MALABONG magkasundo sina Pangulong Noynoy Aquino at Supreme Court chief justice Renato Corona.

Ito ang naging reaksyon ni Senador Joker Arroyo dahil sa umiinit na away ng dalawang lider nang upakan ni PNoy si Corona sa ginanap na summit sa Manila Hotel nitong Lunes.

Ayon kay Arroyo, hindi matutuldukan ang iringan dahil parehong ayaw magbigay at magpakumbaba nina PNoy at Corona.

Gayundin, ani Arroyo, hindi niya alam kung sino ang pwedeng mag-referee o mamagitan sa palasyo at Korte Suprema.

Inamin ni Arroyo na grabe ang nangyayari ngayon sa pagitan nina PNoy at Corona na lumalabas na wala ng respeto sa kataas-taasang hukuman ang presidente at walang gustong umamin na sila ay nagkamali.

Subalit, ang naging payo ni Arroyo kay Pnoy, dapat siya ang magbigay daan at ayusin ang sigalot nila ni Corona.

Kaugnay nito, minaliit ni Arroyo ang mataas na trust rating ni Pangulong Aquino dahil balewala din ito kung mali naman ang kanyang pangangatwiran at pangangasiwa sa bansa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply