Corona di magre-resign kahit may impeachment

NANINDIGAN si Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona na hinsi siya bababa sa pwesto kahit na may impeachment case laban sa kanya.

Sinabi ni Corona na nakahanda niyang sagutin ang impeachment case ng mga kongresista laban sa kanya.

Iginiit ng Punong Mahistrado na ang lahat ng mga inilabas nilang dsisyon ay ligal at naaayon sa Saligang Batas at dumaan sa tamang proseso ng mga mahistrado.

Ang pahayag ni COrona ay kasunod ng impeachment case ng 188 kongresista na nai-transmit na kanina sa mataas na kapulungan ng Kongreso.

Ayon pa sa Punong Mahistrado na kanya pa ring gagampanan nang tapat ang kanyang tungkulin kahit na may development na ang pagtatangkang mapatalsik siya sa puwesto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply