Corona harapang binakbakan ni Noynoy

BINAKBAKAN ni Pangulong Benigno Aquino III si Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona at ang mga kuwestiyonableng desisyon ng mga mahistrado.

Sa idinaos na 1st National Criminal Justice  Summit Centennial Hall sa Manila Hotel ay sinabi ni PNoy na hindi niya nagustuhan ang tila nananadyang pagsalungat na ginagawa ng SC sa ginagawang serbisyo publiko ng pamahalaan.

Tungkulin aniya niya bilang Pangulo ng bansa ang pangalagaan at ipagtanggol ang konstitusyon, ipatupad ang mga batas nito, maging makatarungan sa bawat  tao, at italaga ang kanyang sarili sa paglilingkod sa bansa ngunit patuloy na hinahadlangan ng SC ang kanyang mga nilalayon para sa bansa.

Ipinamukha rin ni Pangulong Aquino sa Korte Suprema ang kapalpakan nito nang maglabas ng TRO sa pag-byahe ni dating Pangulong Arroyo sa ibang bansa para sumailalim sa medical treatment.

Binigyang diin ng Punong Ehekutibo na hindi ito ang unang beses na gumawa ang Korte Suprema ng mga desisyong napakahirap unawain.

Binigyang halimbawa nito ang nakasaad sa article 7, section 15 ng Saligang Batas na ang nagsasaad na “Ang isang Pangulo ay hindi dapat gumawa ng mga paghirang sa loob ng dalawang buwan bago sumapit ang susunod na halalang pampanguluhan at hanggang sa matapos ang kanyang taning ng panunungkulan, maliban na lamang sa mga pansamantalang paghirang sa mga katungkulang ehekutibo.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply