Corona humirit pa sa impeachment court

MULING humirit sa Senado si Supreme Court (SC) Chief  Justice Renato Corona para huwag matuloy ang paglilitis ng articles of impeachment na isinampa laban sa kanya ng Kamara.

Nagsampa kanina ang mga abogado ni Corona ng 5-pahinang motion for preliminary hearing kung saan hinihingi sa Senate Impeachment Court na dinggin muna ang kanyang pagkwestyon sa mga depekto ng articles of impeachment.

Ayon kay Atty. Valentina Cruz, tagapagsalita ng impeachment court, nangangahulugan ang mosyon na gusto ng kampo ni Corona na dinggin ng Senado ang affirmative defense nito laban sa walong articles of impeachment.

Matatandaan na sa answer/reply ni Corona sa articles of impeachment, ipinaliwanag nito na hindi pumasa sa constitutional requirements ang iniakyat ng Kamara kung kaya hiningi niya ang ‘outright dismissal’ nito.

Bukod sa mosyong ito, naghain din ng erratum ang mga abogado ni Corona.

Itinutuwid ang ilang typhographical errors sa answer/reply na isinumite ni Corona noong Lunes.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply