Corona, landmine ni GMA sa SC – Serge

ITINUTURING ni Sen. Sergio Osmena III si Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona na landmine na itinanim ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo upang mapigilan ang paghuhukay sa corruption na ginawa ng nakaraang administrasyon.

Ayon kay Osmeña, katulad ni Corona si dating Ombudsman Merceditas Gutierrez at iba pang justices ng SC ay ipinuwesto ni Arroyo upang magsibling guwardiya laban sa mga magtatangka na maghukay sa anomalyang ginawa ng kanyang administrasyon.

“At least the entire Filipino know, that Gloria Arroyo really abused her power. So, to cover up for all of her corruptions, she set up a lot of land mines—she put up Merceditas Gutierrez there in the Ombudsman, she put up Renato Corona and some funny guys in the Supreme Court,”paliwanag ng senador.

Dahil mapanganib ang isang landmine, sinabi ni Osmena na marapat lamang na tanggalin ito, tulad na lamang ng nangyari kay Gutierrez na napilitang magbitiw bilang Ombudsman upang hindi na masalang sa impeachment trial sa Senado.

Ngayong Enero ay si Chief Justice Corona naman ang sasalang sa Impeachment Court, kung saan kinakailangan ang boto ng 16 mula sa 23 senador para siya ay mapatalsik sa puwesto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply