Corona lilitisin ng prosecutor ni Erap

MAGHAHARAP sa paglilitis kay Chief Justice Renato Corona ang dating magkakasamang prosecutor sa impeachment trial ni dating pangulong Joseph Estrada.

Kinumpirma ng isang source sa Kamara ang impormasyon na pumayag si Attorney Mario Luza na maging lead prosecutor sa nakatakdang impeachment trial ni Corona sa Enero.

Matatandaang si Bautista ang nagpalabas ng testimonya ni Equitable Bank Vice President Clarissa Ocampo na pag-aari ni Estrada ang milyon-milyong pisong account sa bangko.

Makakatunggali naman ni Bautista ang dating kasamahan sa Estrada trial na si dating Ateneo Law Dean Eduardo delos Angeles, isa sa mga abogado ni Corona.

Makakasama ni Delos Angeles sina dating Justice Secretary Serafin Cuevas, dating Court of Appeals Justice Hector Hofilena at dating Pamantasan ng Lungsod ng Maynila Dean Judd Roy.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply