Cotto wagi kay Margarito via TKO

PANALO si WBA super welterweight champion Miguel Cotto (36-2, 29 KOs) laban sa mahigpit na katunggali na si former champion Antonio Margarito (38-7, 27 KOs).

Tinalo ng Puerto Rican champion ang Mexican challenger sa pamamagitan ng tenth round technical knockout sa harap ng sellout crowd sa Madison Square Garden, New York City.

Sa Round 3 ng laban, bumuka ang sugat ni Margarito sa kanang mata, dahilan para maapektuhan ang performance nito.

Ang nasabing sugat ay kaniyang unang natamo sa laban kontra kay 8-division world champion Manny Pacquiao.

Una na ring inihayag ni Cotto na ang injury sa orbital bone ni Margarito ang kaniyang pupuntiryahin.

Pagsapit ng Round 7, tuluyan ng namaga ang mata nito at pagsapit ng Round 10, mismong ang mga doktor na ng New York State Athletic Commission ang nagdesisyong ihinto na ang laban.

Kung maalala, naging malaking konsiderasyon ng NYSAC ang injury ni Margarito sa pag-isyu dito ng lisensiya.

Si Margarito ang unang boksingero na tumalo sa Puerto Rican champion noong July 26, 2008 sa Las Vegas, subalit naging kontrobersiyal ang panalo nito kasunod ng pagkakasangkot sa “illegal hand wrap” scandal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply