Court Administrator Midas Marquez pinagre-resign

PINAGBIBITIW ngayon ng grupong Akbayan si Court Administrator Midas Marquez dahil sa umano ay pagiging tagapagsalita ni Chief Justice Renato Corona at hindi ng Korte Suprema.

Inihayag ng grupo na dapat ipetisyon na si Marquez upang magbitiw o mag-leave of absence dahil sa personal na opinyon na ni Corona ang ipinararating nito sa publiko at hindi ng Korte Suprema.

Hindi naman nagkomento si Marquez ukol sa hiling ng grupo na magbitiw siya sa pwesto.

Kaugnay nito, una nang sinabi na magtatalaga na umano si Corona ng sarili niyang spokeperson at mananatiling tagapagsalita ng Korte Suprema si Marquez.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply