Cowboy ang hosts ng Eat Bulaga!

PATALBUGAN ang tatlong episodes ng ‘Shake, Rattle & Roll 13’. Pinalakpakan ang performance nina Maricar Reyes at Bugoy sa Tamawo episode kung saan ay kasama nila si Zanjoe Marudo.

Sinisilip din kung kanino ang mas magandang episode, ang Parola ni Direk Jerrold Tarog o ang Rain Rain Go Away ni Chris Martinez.

Sinasabi nila, sa Shake, Rattle & Roll episodes, umano’y inilalagay raw sa huli, o pangatlo ang pinakamagandang episode ayon sa pag-judge, o panlasa, ng producer na si Mother Lily Monteverde at kanyang anak na si Ms. Roselle Monteverde-Teo.

Pero naniniwala kami na kaya hinuli ang Rain Rain Go Away dahil first time ni Chris Martinez na gumawa ng SRR at ganoon din si Eugene Domingo. Hindi rin kaila na super ganda ang mga nagawa ni Chris gaya ng Gunaw at Ang Babae sa Septic Tank kaya marami anag nasasabik na mapanood ulit ang tandem nila ni Uge.

“I don’t feel anything about my episode being in the middle. Wala rin namang competition sa mga directors,” sey naman ni Direk Tarog na ilang beses na ring naging best director sa mga pelikulang nagawa niya.

Ano ang kaibahan ng Parola sa dalawa pang episodes?

“I’m not really familiar with the storylines of the other two episodes. All I know is Chris is working with a lot of water, and Richard, with a lot of prosthetics.”

“I’m very excited to see Chris’s episode because I believe it’s his first horror film, and also Richard’s because he’s really great with atmosphere,” sambit pa ni Tarog sa isang interview.

Tsuk!

-0o0-

Talk of the town ang nakatutuwang mga eksenang naganap noong Sabado, Disyembre 17, sa dalawang sikat na variety shows sa bansa—ang longest-running at number one noontime show ng GMA-7 na Eat Bulaga!, at ang primetime show ng TV5 na Wil Time Bigtime.

Nag-umpisa ang lahat sa pag-i-impersonate ng Eat Bulaga! co-host na si Jose Manalo
kay Willie Revillame, na main host naman ng Wil Time Bigtime.

Nangyari ito nang pumalpak sa pagpapasalamat ang Sugod Bahay winner ng Eat Bulaga segment na Juan For All, All For Juan, kung saan regular host si Jose, kasama sina Wally Bayola at Paolo Ballesteros.

Ang winner ay isang ginang na nagngangalang Lilvisminda mula sa Brgy. Doña Aurora, Quezon City.

Matapos ibigay ng grupo ni Jose ang ‘sandamakmak na mga premyo at regalo kay Lil ay nagkamali ito ng pagpapasalamat.

Imbes na Eat Bulaga! ang pasalamatan nito, si Willie ang pinasalamatan.

Ginaya naman ni Wally si April “Congratulations” Gustilo, na sa tuwing magbibigay ng papremyo sa programa ni Willie ay sumasayaw at pagkatapos magbigay ng cash prize ay sumisigaw ng “Congratulations!”

Hirit pa ulit ni Jose, “Alin ang gusto n’yo rito? Sa red, sa white, sa blue, pili na kayo!”

Isa rin ang naturang pilian ng kulay sa games sa Wil Time Bigtime.

Ginaya naman ni Paolo Ballesteros si Shalani Soledad, ang unang female co-host ni Willie, lalo na sa malumanay nitong pagsasalita.

Kumanta pa ng signature love song ni Willie si Jose, ang Ikaw Na Nga.

Sa pagpapatuloy ng pamimigay ng papremyo kay Lil, humabol pa ng hirit si Jose, “Galing po sa Eat Bulaga!, eto po ang maagang Pamasko.

“Bakit? Walong araw na lang Pasko na. Willie Christmas po sa inyo!”

Hindi naman nakatiis si Bossing at humirit pa ng, “Galing sa Eat Bulaga!? Hindi, galing ‘yan sa Bulaga Bigtime.”

-0o0-

Kinagabihan naman sa Wil Time Bigtime ay nagbigay si Willie ng kanyang reaksiyon sa ginawang panggagaya sa kanya ni Jose at pagbibiro ng ibang hosts ng Eat Bulaga!.

Tulad kasi ng dahilan kung bakit ginaya ni Jose si Willie ay nagkaroon din ng kapalpakan sa pagpapasalamat ang nanalong contestant sa Wil Time Bigtime.

Nagkamali kasi ang isang babaeng miyembro ng Philippine Army dahil, imbes na pasalamatan ang TV5, pinasalamatan nito ang ABS-CBN, ang dating estasyon ni Willie bago siya lumipat sa TV5.

“Okay lang, okay lang!” sabi ni Willie habang nagso-sorry ang contestant.

“Sa TV5, inuulit ko po, maraming-maraming salamat po,” dagdag ng contestant.

At dito na nga binanggit ni Willie ang nangyaring panggagaya sa kanya sa Eat Bulaga!.

Ani Willie, “Alam n’yo, kanina sa Eat Bulaga!, nagpasalamat din sa akin (yung winner) at sa Wil Time Bigtime.

“Pero ang ginawa nina Vic Sotto, nina Joey, ng lahat, ina-appreciate naman nila yung ating programa at in-appreciate naman ako.

“Ganun din naman ang buhay. E, karangalan po namin na mabanggit ako ng number one noontime show, ng undefeated, ng undisputed, di ba?

“Naalala n’yo yung ‘Singing Soldier’? Sila lang po ang nakaisip niyan. Ginaya na lang ng lahat iyan.

“Saludo ako sa Eat Bulaga! dahil walang personalan.

“Kinanta pa yung kanta kong ‘Ikaw Na Nga’ ni Jose.

“Nagkendeng-kendeng pa, nag-tantaran pa, lahat! Nag-congratulations pa, nag-amazing pa.

“Lahat po ng ginagawa… nag-red, white and blue. Ginaya pa si Shalani.

“Karangalan po namin na Tito, Vic at Joey, at Dabarkads sa Eat Bulaga!, e, kami ay mabanggit.

“Ibig sabihin nun po, maganda ang ginagawa ng programang ito. Eat Bulaga! pa.”

Binalingan naman ni Willie ang contestant at sinabing, “Ganun din iyan. Kaya lang, sana Channel 7 ang binati mo.”

Natawa nang malakas si Willie sa sinabi niya at ikinahiyaw naman ng mga tao sa studio, na karamihan ay mga sundalo ng Philippine Army.

Kaya naman nang muling magpasalamat ang contestant ay ikinatuwa na ito ng lahat.

“Maraming-maraming salamat po ulit sa TV5, lalung-lalo na sa Wil Time Bigtime.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply