DA, BFAR kakasuhan ng PAMALAKAYA sa fish ban

SASAMPAHAN ng kasong kriminal at administratibo ng pamunuan ng grupong Alyansa ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) sina Agriculture Secretary Proceso Alcala at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Director Asis Perez.

Ito ay kapag ipinagpatuloy nina Alcala at Perez ang binabalak na “fish ban” sa sampu sa 13 major fishing area sa buong karagatang nasasakop ng Pinas.

Sinabi ni PAMALAKAYA national chairperson Fernando Hicap na magsasagawa rin sila ng mass demonstration at fluvial protest upang ipakita ang pagtutol sa tinatawag nilang “extra-judicial killing” sa fishing industry na makaaapekto sa tinatayang 90 porsyento ng 1.8 milyong maliliit na mangingisda at fish workers sa bansa.

Ani Hicap, ang nasabing hakbang ay tuwirang paglabag sa fishing rights ng mga mangingisda sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply