DA: Pinoy fruits isama sa hapag ngayong holiday

HINIMOK ng Department of Agriculture ang publiko na tangkilikin at isama sa hapag-kainan ang mga lokal na prutas ngayong holiday season.

Kabilang sa mga Pinoy fruits na iminumungkahi ng DA ay ang saging, mangga pinya, at iba pang katutubong prutas gaya ng papaya, pakwan, pomelo (suha), bayabas, atis, duhat, rambutan, santol, melon, kalamansi, guyabano, lanzones, chico, at iba pa.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso J. Alcala, nagiging ugali na rin aniya ng karamihan sa pamilyang Filipino ang maghain at kumain ng mga imported na prutas tulad ng mansanas, oranges at ubas.

Nakaiilimutan na aniya na isama ang ‘Pinoy’ fruits sa hapag kainan.

“It doesn’t always need to be apples, oranges and grapes. Mayroon naman tayong mga lokal na prutas na bagaman hindi katamisan ay masustansiya naman at mas masarap sa imported na prutas na puwedeng ihanda sa ‘Noche Buena at ‘Media noche’.”ayon kay Alcala.

Ani Alcala, ang pagtangkilik sa mga lokal at mga katutubong prutas ay isang paraan na rin ng pagsuporta sa mga magsasakang Filipino na silang nagtatanim ng mga ito.

Sa ganitong paraan aniya ay hindi lamang tayo nangangarap kundi nakakatulong pa rin tayo sa mga magsasaka ng prutas sa mga kanayunan na umangat ang local fruit industry sa bansa.

Isa aniya ang Pilipinas sa pangunahing global producer ng world-class na saging, mangga at pinya na ipinadadala ng bansa gaya ng Japan, South Korea, China at United States.

Noong 2010, nakapagprodyus ang bansa ng may 9.1 million metric tons (MT) ng lahat ng klase ng saging kabilang ang Cavendish (4.6 MMT) at saba o cardaba (2.6 MMT), na nagkakahalaga ng P106.5 billion sa kasalukuyang halaga nito.

Ang mangga naman na may kabuuang 825,676 MT ay nagkakahalaga ng P17.9 billion, habang ang pinya na may 2.17 MMT at nagkakahalaga ng  P10.9 bilyon sa kasalukuyang presyo nito.

May paniniwala ang mga Pinoy na ang paghahanda ng prutas sa hapag kainan ay nagdadala ng suwerte at kasaganaan sa bawat tahanan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply