Daang residente na-trap sa baha sa Bukidnon

MAHIGIT sa 300 residente ang na-trap sa pagkasira ng irrigation dam sa Valencia City, Bukidnon kaninang hapon dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Dahil dito, nahirapan ang tatlong military helicopters sa pag-rescue sa mga biktima sa Brgy. Batangan na umabot na sa bubungan ng mga bahay ang baha.

Sa ulat ni Bukidnon Gov. Alex Calingasan, sinabi nito na ilang kabahayan ang na-washout dahil sa pagragasa ng baha.

Tuluyan ding bumigay ang diversion dam sa National Irrigation Administration na namamagitan sa Barangay Lumbayao sa Valencia City at San Fernando.

Nagmistulang swimming pool ang Poblacion, Valencia City matapos umapaw ang tubig galing sa mga ilog.

Nasa evacuation centers na rin ang mahigit 1,000 katao na apektado dahil sa walang humpay na pagbuhos ng malakas na pag-ulan at baha.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply