Dagdag na kamatayan at sakit sa delubyo

HABANG patuloy ang pagbibilang ng mga bangkay ng mga nalunod at nilamon ng putik sa Cagayan de Oro at Iligan, nagsimula na ring manalasa ang sakit sa mga evacuation center.

Dalawa na ang namatay sa mga evacuation center at nakilalang sina  Raul Candiongco na pumanaw dahil sa hika at Lodeo Galdo na inatake sa puso.

Pagtatae, lagnat, sipon at iba pang mga sakit ang umaatake sa mga biktima.

Dahil sa madaling makahawa ang mga sakit na ito, pinangangambahang marami ang magkakasakit sa mga lugar na nabanggit dahil sa siksikan ang mga tao rito.

oOo

Kalahating milyon, Suki, ang tinamaan ng baha ni Sendong.

Nasa 60,000 dito ang mga nasa evacuation center hanggang ngayon.

Sinasabing kalahati ng 500,000 ang lubos na natamaan, kabilang na ang 60,000 na nagsisiksikan pa sa mga iskul, gymnasium, munisipyo at iba pang lugar na pinaglagakan sa kanila.

Kung imadyinin ang kalagayan ng mga nasiraan ng mga tahanan at hindi na pupuwedeng bumalik pa sa kanilang dating mga barangay at ngayo’y sinasardinas sa mga evacuation center, baka magkaroon ng epidemya.

Dapat na maging alerto ang mga kinauukulan sa epidemya.

Kung hindi, nakatatakot isiping marami pa ang kukunin ni Lord sa mga buhay riyan kaysa mga kinuha niya sa mga tahanan noong rumagasa ang delubyo.

oOo

Hindi tayo dapat na mapagod, Suki, sa pagtulong sa mga nangangailangan sa nasabing lugar.

Isaisip na lang natin na hindi lang natin sila kababayan kundi mga kapatid, kamag-anak, kapitbahay at kapwa.

Hatiran natin sila ng pag-ibig at awa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply