Dagdag parusa sa jail guards na natatakasan ng preso

INENDORSO ngayon ng House Committee on Revision of Laws ang maagang pagsasabatas sa panukalang magbibigay ng dagdag na kaparusahan sa pabayang jail guards na natatakasan ng mga bilanggo.

Kinumpirma ni Pangasinan Rep. Marlyn Primicias-Agabas, chairman ng komite na pinagsama na ang House Bills 251 at 2399 na parehong inihain nina Reps. Juan Edgardo Angara (Lone District, Aurora) at Romeo Acop (2nd District, Antipolo).

“I really appreciate the positive action of the Committee on Revision of Laws for approving a substitute bill which, among others, imposes stiffer penalties on public officials and employees in charge of the custody of prisoners for negligence, connivance with or consent to jail escape,” ayon kay Angara.

Binanggit pa ni Angara ang ulat ng pulisya na may 148 murder convicts at magnanakaw ang patuloy na tinutugis ng aworidad matapos makatakas ang mga ito sa iba’t ibang bilangguan sa bansa.

Samantala, isinulong naman ni Occidental Mindoro Rep. Ma. Amelita Calimbas-Villarosa, co-author ng panukala ni Angara na isama na rin ang pag-amiyenda sa Republic Act 3815 o Revised Penal Code of the Philippines.

Sa ganitong paraan ay mabigyan din ng mas mabigat na kaparusahan ang jails guards na nakikipagsabwatan sa mga preso upang makatakas matapos masuhulan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply