Dagdag singil sa tubig sa 2012 iligal– solon

AYON kay Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy, iligal ang gagawing pagtataas sa singil sa tubig sa pagpasok ng taong 2012.

Kasabay nito ay hinamon ng kongresista ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na ipahinto ang napipintong pagtaas sa singil ng tubig hangga’t hindi nakapagdaraos ng konsultasyon sa publiko.

Binigyang diin ni Herrera-Dy na ang Manila Water Corporation na kontrolado ng Ayala at ang Maynilad Water Services Inc., na nabili ng Pangilinan Group mula sa mga Lopezes ay hindi “exempted” sa probisyon ng batas na nag-aatas na makapagdaos muna ng konsultasyon o public hearing bago ang anumang pagpapatupad sa water rates increase.

Binatikos ni Herrera-Dy ang MWSS kahit ang MWSS-Regulatory Office dahil sa patuloy na pagbalewala sa isinasaad ng Administrative Code ng 1987.

“The MWSS Charter also does not have any provision that is inconsistent with the requirement for public consultation as required by the Administrative Code,” ani Herrera-Dy.

Ibinunyag ng mambabatas na aabot sa pitong porsiyento ang itataas sa singil ng tubig pagpasok ng 2012.

“I don’t see any reason, both legally or morally, why government cannot stop them from ramming these new round of water rates down our throats,” ayon kay Herrera-Dy.

Nauna ng hinimok ni Herrera-Dy ang Commission on Audit na magsagawa ng omnibus audit sa MWSS maging sa dalawang private concessionaires dahil sa paglabag sa panuntunan at kasunduan at ang iligal na paggamit sa government property.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply