Dalaga, kasamang nene tiklo sa CCTV

SWAK sa kulungan ang isang dalaga at kasamang nene na miyembro umano ng “Bangga Gang” nang makuhanan ng close circuit television matapos na biktimahin ang isang nurse sa loob ng mall sa Caloocan City kagabi (Disyembre 7).

Nakaselda na si Amy Gutierrez, 37 habang nasa kostudiya na ng Department of Social Welfare and Development ang 14-anyos na neneng. Ang dalawa ay parehong residente sa Bayanihan, Pasay City.

Sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi, naglalakad sa loob ng Victory Mall sa Monumento ng lungsod ang biktimang si Jane Galogo, 23, taga-Bulacan nang banggain ni Gutierrez.

Nagalit si Gutierrez at habang kinokompronta si Gutierrez ay abala naman ang nene sa pagdukot ng Samsung cellphone na nakalagay sa bag ng biktima.

Nang makuha ay lumayo ang nene habang tumalikod na ang biktima subalit nang tingnan ang bag ay bukas na at wala na ang cellphone na naging dahilan upang humingi ng tulong sa mga sekyu.

Dinakip ang mga suspek na pumapalag pa subalit nang tingnan ang cctv na nakakabit sa mall ay nakita ang ginawa ng mga suspek na naging dahilan upang dalhin sila sa presinto.

Hindi na nabawi ang cellphone ng biktima na posibleng naipasa na sa hindi pa kilalang kasama ng mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply