Dalaga sinakal, matapos gahasain todas

BANGKAY na nang matagpuan ang hubo’t hubad na babae na nakatali pa ang mga kamay sa Guimaras at biktima ng pangagahasa sa ulat ng pulisya kanina.

Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kumpirmadong pinagsamantalahan ang 23-anyos na babae sa Barangay Dolores, bayan ng Nueva Valencia, nabanggit na probinsya ng hindi pa nakilalang suspek.

Nabatid sa report na inihanda ni P/Sr Inspector Roel Fermo, hepe ng Nueva Valencia PNP na isang bata ang nakakita sa hubo’t hubad na bangkay ng biktima.

Sa imbestigasyon ay kinakitaan ang biktima ng marka ng pagkakasakal sa leeg na posibleng kagagawan ng suspek habang niluluray ang dalaga.

Lumalabas naman sa medico-legal na namatay ang biktima dahil sa pananakal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply