Dalagita natakot sa banta ng textmate, nag-suicide

LUMAKLAK ng pesticide ang isang dalagita na natakot sa banta ng kanyang ka-textmate na uubusin ang kanyang lahi kapag hindi siya nakipag-eyeball dito sa Aklan.

Hindi na naisalba pa sa Aklan Provincial Hospital (APH) sanhi ng pagdurugo ng bituka ang 14-anyos na biktimang hindi pinangalanan, residente ng Barangay Guanco, Balete Aklan.

Nahaharap naman sa blangkong pader ang Balete PNP kung sino ang lalaki na siyang dahilan kung bakit naglason sa sarili ang naturang dalagita.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pagpapatiwakal ng biktima dakong 6:00 ng Linggo ng gabi (Disyembre 11) sa isang palayan na ilang metro lamang sa bahay nito.

Nauna rito, nabatid na napansin ng lolo ng dalagita na palagi itong malungkot na para bang may dinadalang napakamalaking problema sa buhay.

Nagulat na lamang sila ng makitang nagsusuka ng itim na likido ang kanyang apo kaya dinala na nila ito agad sa APH pero namatay din habang ginagamot.

Nabatid na lamang ng pamilya ang sinapit ng biktima nang makita ang isang suicide note na nakasaad kung bakit siya naglason.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply