Dalawang negosyante sabay kinatay sa GenSan

DALAWANG negosyante ang magkasabay na namatay matapos tadtarin ng bala ng riding in tandem sa General Santos, sa ulat ng pulisya ngayong hapon.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, lulan din ng motorsiklo ang dalawang biktima na sina Gregorio Padilla, 45, may asawa at residente ng Tagum City at isang Jose Delos Santos, ng Davao City na kapwa namamakyaw ng daing nang ratratin ng mga suspek.

Naganap ang insidente ng pamamaril sa Purok Fatima, Barangay West kung saan tinambangan ang dalawang biktima na kapwa mga negosyante ng daing na kanilang dinadala sa siyudad ng Davao.

Nagtamo ng 12 tama ng bala ng baril sa katawan ang biktimang si Gregorio habang walong tama ng kalibre 45 ang tinamo ni Delos Santos.

Mabilis namang tumakas ang dalawang suspek na nakasakay sa isang motorsiklo na walang plaka.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply