Dapat may masibak sa trahedya kay Sendong (2)

LUMALABAS sa mga unang ulat na walang patumanggang illegal logging na pinabayaan ng mga nasa poder ang dahilan ng mga pagbaha na ito.

Ito siguro ang tamang panahon para umaksyon na si Pangulong Noynoy at sibakin na ang mga dapat sibakin sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang kagayang ahensiya na dapat ay nangangalaga sa ating likas na yaman.

Dahil sa malagim na pangyayaring ito ay inaasahan ng taumbayan ang mabigat na aksyon ni Pangulong Noynoy at magagawa niya ito kung may mga ulo na gugulong.

Sige Pangulong Noy sibakin mo na ang mga dapat sibakin!

* * *

Samantala, malayo na ang narating ng kampanya ni Pangulong Noy laban sa korapsyon.

Tuluyan na ngang nasampahan ng non-bailable na kasong electoral sabotage si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at ang sinasabing partner in crime niya na si dating Comelec Chairman Benjamin Abalos, Sr.

Iyong akala dati ng marami na panaginip lang kung mapakukulong o maparurusahan si GMA dahilan sa mga kasong kinahaharap niya ay nagkatotoo na sa wakas.

Kahit paano ay naka-hospital arrest siya at swak din sa kulungan si Abalos bagaman at may mga apela sila para sa kanilang pansamantalang paglaya.

Kung sakali man at mapagbigyan ang kahilingan nila na piyansa ay tiyak na steady pulso pa rin sila sa detention dahil may iba pang mga kasong plunder o pandarambong na naisampa na rin laban sa kanila.

Naalala ko lang na kung totoo ang mga bintang kina GMA at Abalos ay talagang marami silang pinagsamahang dalawa.

Ang alam ko kasi ay sila din ang sinasabing principal players sa naudlot na multi-bilyon pisong NBN–ZTE broadband deal.

At ngayon nga na under detention na silang dalawa ay ma-raming mga tao ang nagsasaya dahil sa bunga ng mga pagsisikap ni Noynoy para labanan ang korapsyon.

Matatandaan na nanalo nang landslide si Noynoy noong nakaraang eleksyon ng Mayo 2010 dahil nakaangkla ang pla-taporma niya sa paglaban sa katiwalian.

Mabuti naman at hindi niya ito kinalimutan at decided siya na may managot sa lahat ng mga sablay na gawain noong mga nakaraang rehimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply