Dating mayor kinasuhan sa hot cars

SINAMPAHAN ng kasong sibil ang dating mayor ng Roxas City na si Vicente Bermejo dahil sa mga hot cars.

Ang isinampang kaso ay kaugnay sa  kabiguan ni Bermejo na maibalik sa pangangalaga ng Roxas City government ang mga hot cars na kinabibilangan ng dalawang Pajero at Manlift  na pinag-aagawan nila ng Capiz provincial government.

Sa halip na sa city government ibalik ang naturang mga saksakyan na nakarehistro, mas kinilala ng dating alkalde at dati ring gobernador na karapatan ng provincial government na mapasakamay ang mga ito .

Napag-alaman na binili ni Bermejo ang nabanggit na mga sasakyan noong gobernador pa ito at ng manalong mayor ay minabuti nitong dalhin sa siyudad sa pamamagitan ng deed of donation na itinanggi naman ng kasalukuyang gobernador na si Vic Tanco.

Nakatakda pa lamang i-raffle sa RTC Branch ng Roxas City ang kaso. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply