De Lima kinastigo sa pambababoy sa 1987 Constitution

KINASTIGO ni Sen. Joker Arroyo ang lantarang pambababoy at pambabastos ni Justice Secretary Leila de Lima sa Saligang Batas matapos atakehin ang mga desisyon ng Supreme Court na pumapabor kay dating Pangulo, ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa panayam ng DZBB nitong Linggo, sinabi ni Arroyo na hindi puwedeng gamitin ni De Lima na kaya binabalewala ang desisyon ng Supreme Court upang protektahan ang karapatan ng gobyerno partikular ang police power nito.

“Walang karapatan ang DOJ na batikusin ang Supreme Court, si De Lima ay executive officer, at hindi siya opisyal ng korte. Sila, ang DOJ, ay nasa ilalim ng hurisdikyon ng Supreme Court,” paliwanag ni Arroyo.

Sinabi ni Arroyo na kung hindi nagugustuhan ni De Lima ang desisyon ng Supreme Court, na dapat irespeto at sundin alinsunod sa Saligang Batas, dapat maghain na lamang ng impeachment case ang Palasyo laban sa mga Hukom.

“Wala pa bang ginawang tama ang SC, pero iyon ang sistema na dapat sundin, may remedy, impeach na lang ang chief justice, that the remedy under the constitution, but no, they don’t want to impeach him they want to attack him…but I don’t see any impeachable offense in the conduct of chief justice, only as appointee ni GMA,” giit ni Arroyo.

Binatikos din ni Arroyo si De Lima sa paggamit ng katuwiran nitong “police power “ ng Estado bilang pamamaraan upang maka-survive ang Estado.

Sinabi pa ni Arroyo na kung patuloy na babastusin at hindi irerespeto ng DOJ ang Supreme Court kabilang ang  mga desisyon nito, dapat nang lusawin ang Saligang Batas na ginawan sa panahon ni yumaong Cory Aquino.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply