Death threat sa Comelec chief kinukumpirma ng PNP

KINUKUMPIRMA ng Philippine National Police ang naiulat na pagbabanta sa buhay ni Commission on Elections Chairman Sixto Brillantes, Jr.

Sinabi ngayon ni PNP chief Director General Nicanor Bartolome kaninang umaga na wala pa silang nakukuhang inpormasyon para patotohanan ang iniulat na death threat.

“So far wala pa kaming update dito but just the same ive-verify natin, itse-check natin”, pahayag ni Bartolome sa isang kapanayam sa dwIZ radio.

Kahapon (Linggo) lamang, hinikayat ng Malacañang si Brillantes na magbigay pa ng iba pang detalye sa sinasabing death threat na kanyang natanggap kamakailan lamang.

Sinabi naman ni deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na bahala na ang Department of the Interior and Local Government (DILG) para ikasa ang mas malalim pang imbestigasyon sa sinasabing pagbabanta sa buhay ni Brillantes.

Nauna rito, ibinunyag ni Comelec spokesman James Jimenez na nagsimulang makatanggap ng death threat si Brillantes nang paimbestigahan nito ang financial problem ng komisyon.

Nadikubre ng Comelec chief na may P125 milyong halaga ng unliquidated funds ng poll officials at personnel bukod pa sa iba pang iregularidad sa Comelec tulad ng falsification of checks at unchecked overtime payments.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply