Death toll ni ‘Sendong’ lagpas 1,002 na

AMINADO ang mga tauhan ng pamahalaan na nawala na sila sa tamang bilang ng mga nawawalang biktima habang lumagpas na 1,002 ang naitalang death toll sa nangyaring  pananalasa ng tropical storm Sendong sa Northern Mindanao.

Ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council, umakyat na sa 1,002 ang naitatalang bilang ng mga namamatay sanhi ng flash flooding.

Ayon kay NDRRMC Executive Administrator B/Gen. Benito Ramos (Ret.), ang kanilang  latest tally ay may total na 1,002 at nangunguna rito ang Cagayan de Oro na may 650 confirmed dead, habang 283 naman sa Iligan City.

Samantala, patuloy ang isinasagawang search and retrieval operation ng mga awtoridad sa karagatang sakop ng Cagayan de Oro.

Magugunitang idineklara na kahapon ni Presidente Benigno Aquino III ang state of national calamity matapos personal na bisitahin ang mga calamity stricken areas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply