Death toll sa bagyong Sendong 632 na

GAYA nang inaasahan, lumobo pa sa 632 ang namatay sa pananalasa ng bagyong Sendong sa Mindanao at ilang parte ng Visayas, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kaninang umaga.

Mula sa 533 na bilang ng mga namatay, sinabi ng NDRRMC na may 100 pang bangkay ang narekober kaninang umaga (Disyembre 19) mula sa iba’t ibang lugar sa Northern Mindanao, partikular sa lungsod ng Iligan at Cagayan de Oro.

Sa kanilang advisory kaninang alas-12:00 ng tanghali, nabatid ng disaster agency na ang 227 na narekober na patay ay nagmula sa 260 katao na naunang iniulat na nawawala.

Habang isinusulat ang balitang ito, patuloy na ginagalugad ng mga rescuer ang may 82 katao pa habang may 16 naman na biktima ang kasalukuyang nagpapagamot sa ibat’ ibang ospital sa Northern Mindanao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply