Death toll sa bagyong Sendong aabot ng 2,000

POSIBLENG aakyat pa sa dalawang libo ang bilang ng mga binawian nang buhay sa hagupit ng bagyong Sendong sa Mindanao makaraang bawiin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang ipinalabas na datos hinggil sa tunay na bilang ng mga nawawala sa nasabing kalamidad.

Sa pinakahuling ulat na inilabas ng NDRRMC kaninang umaga sa kanilang website, umabot pa sa 1,079 ang patuloy na nawawala, habang nasa 1,161 naman ang mga namatay.

Aminado si NDRRMC Executive Director Benito Ramos, nagkaroon ng kalituhan sa ipinalabas na bilang ng kanyang mga tauhan hinggil sa mga nawawala.

Hindi umano totoo na ganon pa karami ang bilang ng mga nawawala.

Hinala ni Ramos na maaaring dumoble ang bilang ng kanyang mga tauhan dahil ang mga narekober na bangkay na hindi pa nakikilala ay isinama sa bilang ng mga missing.

Sa ngayon wala umanong tumpak na numero ang NDRRMC kung ilan pa ang nawawala sa hagupit ng bagyong Sendong.

Tinanggal na rin ng NDRRMC sa kanilang website ang una nilang na-upalod na mga datos.

Sa paliwanag naman ni Director Eduardo Ollet chief, NDRRMC operations center kung bakit biglang lomobo ang bilang ng missing …ay “kasi nag-reconcile sila with Local Government Units, yun din ang nasa regional, may mga kaanak na nagrereport na nawawala yung kanilang mga kamag-anak, so pagreport natural we will take it realiable,” anang opisyal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply