Dedma sa isyung sina Bossing Vic at Pauleen Luna na

HUMABOL si Iza Calsado sa presscon ng Panday2. Galing pa kasi siya sa Eat Bulaga at ‘di na nga raw niya nahintay ang last portion ng show. Agad na ininterbyu namin si Iza at kinumusta ngayong Pasko lalo na’t ulila na siyang lubos.
Nami-miss na nga raw niya ang kanyang yumaong ama na si Lito Calzado lalo na kapag nasa place siya kung saan very evident ang memories nito.

Kung meron ma’ng regret si Iza sa pagkamatay ng kanyang ama ay ang ‘di niya pagtupad sa isa sa mga pangarap nito for her, ang maihatid siya sa altar sa araw ng kanyang kasal.

“‘Yun na nga ang masakit sa akin, e. ‘Yun nga ang gusto ng Dad ko, e. Sorry na lang hindi ko naibigay. Sabi ko, maghintay pa, e. Mga ten years,” birong seryoso ni Iza.

Iniintriga naman si Iza kay Marian Rivera na isa rin sa leading ladies ni Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. sa Panday 2 na ipalalabas on December 25. Si Iza kasi ang leading lady ni Sen. Bong sa Panday 1 at dito sa sequel, nasapawan daw siya ni Marian.

“I think the center of the story is really their love story. Wala naman ako sa isyu na nu’ng binasa ko ‘yung script marami ako’ng eksena sa kanya. Nakaiintindi naman ako ng script.

“Nu’ng nabasa ko ‘yung script I already knew that this is not a movie wherein the focal point of the story will be my love story with Bong. So, last Panday ‘yun. This time may Marian siya ‘yung nag-establish ng kanilang pag-iibigan and all of that and hence then create the whole conflict and maganda ‘yung magiging ending nu’ng film,” esplika niya.

No comment din si Iza sa isyu na ang mga kasamahan niya sa Eat Bulaga na sina Vic Sotto na at Pauleen Luna na ang mag-syota ngayon. Buhay na lang daw niya ang gusto niyang pag-usapan.

***

UNTIL now, wala pa ring humpay ang usapan tungkol sa break-up ni KC Concepcion at Piolo Pascual. Nu’ng nakausap namin ang sikat na TV host na si Boy Abunda sa bagong bukas na restaurant ng kanyang kaibigan na si Boy So, ang Sir Boy Republique sa may Panay Avenue, tungkol sa resulta ng ginawa niyang explosive interview sa kapwa niya host sa The Buzz, hindi niya nais ang magbigay ng sarili niyang opinyon sa mga isiniwalat ni KC. Maging sa isyu kung dapat ba o hindi magsalita rin ni Piolo sa hiwalayan nila ni KC.

“Hindi ko masasagot ‘yan kasi ako ang nag-interbyu kay KC. At hindi ko rin masasagot ‘yan dahil interviewer ako. I would wish that he speaks. Kung hindi man sa akin magpa-intebryu, sa ibang interviewer, okey  lang. I mean, hindi lang naman ako ang nagi-interyu. And it’s not my call kung sa akin siya magpa-intebryu.

“Kung sa akin, fine. Kung hindi ako, okey lang din.

“Tsaka ito, malalim ito. Kaya hindi sa akin issue ‘yan. Sa United Nations ang gender issue is an identity. Hindi ‘yan binibigay ng kapwa sa isang tao. Gender identity is kung ano ang gender experience mo at kung ano ang sense of internal sense mo sa sarili mo. You define your gender experience. You define your gender identity. Nobody does it for you. ‘Yun lang. Kaya hindi sa akin issue ‘yun, e. ‘Yung problema nina KC siguro nagka-problema sila sa relasyon, so, ‘yun.

“I wanna hear the other side of story. It’s always fair to hear the other side of the story.

“I mean, let it be. Kung ‘yun ang pananaw, alam mo kapag nag-iinterbyu ka, ang natutunan ko, hindi ka hukom. Nagtatanong ka. Pero syempre may mga biases. Bawat isa sa atin may bias. Pero dapat hindi ‘yan maka-apekto sa pag-iinterbyu,” diin ni Kuya Boy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply