Demokrasya sa Myanmar pinasusuportahan

HINILING ng isang senador kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III at miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (Asean) na suportahan ang nagaganap na pagbabago sa usapin ng demokrasya ngayon sa Myanmar.

Ayon kay Sen. Loren Legarda, chairman ng Senate committee on foreign relations, dapat suportahan ng Pilipinas at Asean ang nangyayaring pagbabago sa Myanmar matapos “mabuksan ang pintuan sa mas malalim na pakikihamok ng Myanmar.”

“Dapat tumugon ang Pilipinas kabilang ang Asean bilang suporta sa konstruktibong repormang nangyayari ngayon sa Myanmar,” ayon kay Legarda.

Matatandaan na si Legarda ang kauna-unahang opisyal ng Pilipinas na dumalaw kay Aung San Suu Kyi nang palayain ito sa house arrest noong Nobyembre ng nakaraang taon. Kasama ni Legarda sa pagdalaw ang kanyang dalawang anak na siyang unang dayuhang youth leader na nanawagan ng demokrasya sa paglaya ni San Suu Kyi sa house arrest.

“The encouraging developments in Myanmar inspire hope for a new future for Myanmar’s people.  The Philippines, as a fellow-member in ASEAN, needs to contribute to this engagement process and help build on the optimism created by the developments we have seen thus far,” ayon sa senador.

Certainly, the situation demands creative strategies for engaging not just the government of Myanmar, but also its people with the view to creating a shared understanding and effort toward securing democracy in Myanmar,” paliwanag ni Legarda.

Nitong nakaraanglinggo, nangako si US Secretary of State Hillary Clinton na magsasagawa ng punitive action ang Amerika sakaling hahadlangan ng gobyerno ng Myanmar ang mas malaking kalayaang pulitikal sa naturang bansa.

Nakipagkita din si Clinton nang hiwalay kina Myanmar President Thein Sein at Suu Kyi.

Malaki ang naitulong sa pagbisita ni Clinton sa Myanmar upang mabawasan ang international isolation sa naturang bansa. Sa loob ng ilang nakalipas na buwa, pinalaya ng gobyerno ng Myanmar ang libo-libong political prisoners at pinaluwag ang censorship.

Inihayag naman ni Suu Kyi, 66, na lalahok siya sa sistemang pulitikal at tatakbo sa parlamento sa susunod na halalan.

“I welcome the reported plans of Suu Kyi to run in the coming elections.  This development speaks volumes in terms of renewed confidence. I hope the government of Myanmar will build on its constructive efforts by releasing its political prisoners so that they can, as well, be a part of the change process unfolding in this country.  Myanmar is immensely blessed by a rich culture, warm people from diverse ethnic backgrounds, and natural resources to fuel its growth.  There is no reason for it not to succeed if its remains on course on its road to democracy.  The Philippines and Asean need to be with Myanmar on that road, giit ni Legarda. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply