DENR, DOTC at DILG lumagda sa kasunduan vs smoke belchers

NILAGDAAN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pagitan ng Department of Transportation and Communications (DOTC) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang isang memorandum of agreement para mapatindi ang kampanya laban sa mga smoke belcher sa Metro Manila.

Sa isinagawang press conference sa Sulu Hotel Quezon City, tiniyak nina Environment Secretary Ramon Paje, Transportation Undersecretary Oscar Moncupa at DILG kasama sina Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) Chairman Herman Basbaño, Philippine Medical Association (PMA) President Dr. Oscar Tinio, Pateros Mayor Jaime Cruz Medina at  representatives mula sa 16 na local government unit sa Metro Manila na dahil sa pagkakapit-bisig na ito, ay wala ng dahilan para magkaroon pa ng mauusok na sasakyan sa lansangan at mga pollutant na mula sa mga pabrika.

“The added participation of practically all of Metro Manila’s LGUs, together with the KBP and the PMA, will hopefully show to the transport sector, which is the leading contributor of air pollutants, just how serious the government is in going after smoke belchers who unabashedly ply our roads without apparent concern for public health,” pahayag ni Paje

Sa ilalim ng kasunduan, lilikhain ang sampung composite anti-smoke belching (ASB) teams para magsagawa ng roadside apprehensions sa mga lansangan sa Metro Manila na kabibilangan ng mga elemento ng DENR, DOTC, MMDA, KBP, PMA at lokal na pamahalaan sa Kalakhang Maynila.

Batay sa ulat ni Juan Miguel Cuna, direktor ng Environmental Management Bureau (EMB) na 80 porsiyento ng polusyon sa hangin ay mula sa mauusok na sasakyan sa Metro Manila at ang 20 porsiyento ay mula sa mga pabrika.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply