DENR nag-donate ng 100 kabaong sa biktima ni ‘Sendong’

NAGBIGAY ng mahigit sa 100 kabaong na gawa sa mga nakumpiskang troso sa mga namatay na biktima ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro.

Sinabi ni Environment Secretary Ramon Paje, ang mga kabaong ay yari sa mga natitirang troso na iligal na pinutol sa Region 10 na inilaan dapat para sa pagsasaayos ng mga eskwelahan at muwebles o furniture.

Ayon naman kay Undersecretary for Field Operations Ernesto Adobo, mga 10,000 board feet aniya mula sa nakumpiskang mga kahoy ay ginamit sa paggawa ng kabaong.

Bagamat kakaunti aniya ang mga nagamit sa nakumpiskang troso ay isinama na nila ang mga donasyong plywood na bigay ng mga pribadong kumpanya para pandagdag sa gagawing kabaong.

Ang mga nalalabing troso ani Paje ay kanila namang ilalagak sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para gawing kanlungan o bahay ng mga naging biktima ng bagyo sa Cagayan de Oro.

Babahaginan din ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para maipagpatuloy ang pagpapagawa ng mga silya ng paaralan at muwebles sa ilalim ng “PNoy Bayanihan Project” na napagkasunduan noon pang buwan ng Mayo at dadalhin sa mga pampublikong paaralan sa Caraga Region.

Lumilitaw sa ulat ng DENR na umabot sa kabuuang 180,353 board feet ng illegal logs ang nasa tanggapan ng DENR sa rehiyon galing sa bagyong Sendong.

Namahagi na rin ang DENR ng may 125 piraso ng kabaong na yari sa plywood sa biktima ng bagyo sa mga lungsod ng CDO at Iligan.

Nagkakahalaga aniya ng P1000 ang bawat kabaong na in-order pa nila sa pagawaan nito sa Malabon City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply