Dental assistant sabog ang ulo sa boga

SABOG ang ulo ng isang dental assistant matapos na barilin ng lalaking nagpanggap na pasyente sa Quezon City kagabi (Disyembre 7).

Nagtamo ng isang tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa likod ng ulo at namatay noon din ang biktima na si Christine Topillo, 21-anyos, tubong Isabela.

Iknasa na ang pagtugis sa nagkasa ng krimen na inilarawang nakasuot ng puting T-shirt at maong pants at may taas na 5’6.

Ayon kay Quezon City Police Distrit Station 2 Commander P/Supt. Audie Madrideo, naganap ang insidente dakong alas-5:30 kahapon sa isang dental clinic na pag-aari ni Dra. Joy Castillo na nasa Roosebelt Avenue, San Franciso Del Monte.

Sinabi ni Castillo, bago ang pangyayari ay naulinigan niya habang siya ay nasa loob ng banyo na may pumasok na kostumer at kinausap naman ng biktima.

Pero maya-maya lamang, isang alingawngaw ng putok ang narinig ni Castillo kaya napalabas siya ng banyo at nakitang duguang nakahandusay si Topillo sa sahig.

Hindi na rin nadatnan ni Castillo ang bumaril sa kanyang assistant.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply