Deployment ban sa Nigeria aalisin na sa Enero 1, 2012

AALISIN na sa Enero 1, 2012 ang deployment ban ng mga overseas Filipino Worker sa Nigeria.

Ito ang tiniyak ngayon ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Ayon kay POEA Administrator Carlos Cao, Jr, na inaasahan na sa Enero 1 ay wala nang ban para sa mga OFW alinsunod sa rekomendasyon ng Department of Foreign Affairs.

Kaugnay nito, inaasahan din na ipatatawag ni Department of Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz ang POEA board upang talakayin ang pag-alis ng naturang deployment ban.

Umaasa rin si Cao na hindi makakaapekto ang naganap na pambobomba sa isang simbahan sa Nigeria na nagresulta sa pagkamatay ng 39 na katao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply