Deployment ban sa Nigeria ipinatatanggal

IMINUNGKAHI ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamahalaan na tanggalin na ang pagbabawal na pumasok ang overseas Filipino workers (OFWs) sa Nigeria.

Sa rekomendasyon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na gumaganda na ang kalagayang pang-seguridad sa Niger Delta kaya nararapat lang na ipawalang-bisa na ang deployment ban sa nasabing bansa simula sa pagpasok ng buwan ng Enero sa susunod na taon.

Ayon pa kay del Rosario, narebisa na nila ang kabuuang kalagayan sa Nigeria at naniniwala sila na nasolusyunan na ang problema ng insureksyon sa nasabing bansa.

“No more kidnapping incidents have occurred and Nigeria has become a vibrant democracy with a thriving economy.  According to our ambassador in Nigeria, 5,000 jobs in the oil, gas and construction industries awaiting our OFWs in Nigeria,” pahayag pa ni del Rosario sa kanyang liham kay Baldoz.

Matatandaan na nagpatupad ang pamahalaan ng deployment ban sa Niger Delta matapos ang sunod-sunod na pagdukot sa mga marino noong 2006 hanggang 2009.

Umaabot sa 7,240 Pilipino ang nasa Nigeria, karamihan ay mga propesyunal at mga asawa ng Nigerian at karamihan sa mga ito ay nagsabing panahon na upang tanggalin ang deployment ban.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply