Derrick Rose mananatili sa Chicago Bulls

MANANATILI sa Chicago Bulls ang kasalukuyang National Basketball Association (NBA) Most Valuable Player (MVP) na si Derrick Rose matapos na muling pumirma ng kontrata sa nabanggit na koponan.

Ang bagong kontrata ni Rose na magsisimula ngayong 2012-2013 season, ay nagkakahalaga ng $94 milyon na tatagal ng limang taon.

Magugunitang isa si Rose sa nanguna para daigin ang Los Angeles Lakers sa nakaraang Eastern Conference Finals bago tuluyang talunin ng Miami sa 5-game championships.

Magpapa-press conference bukas (Disyembre 22) ang Chicao Bulls upang pormal na ihayag ni Rose ang kanyang naging desisyon.

Si Rose, 23-anyos ang pinakabatang tinanghal na MVP sa kasaysayan ng NBA matapos pangunahan ang Bulls sa 62 panalo laban sa 20 talo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply