Di binigyan ng datung: Manny Pacquiao nilait ni Cristy Fermin

BEFORE ay puro papuri ang binibitawang salita ni Manang Cristy Fermin, ang Certified Golden Girl Orocan dito kay Cong. Manny Pacquiao. As in, wala ng ginawa ang tulaera at oslaerang TV host na ito kundi isulat halos araw-araw sa Kanyang mga kolum si Pacman. Na kesyo matulungin ito, mabait ito sa kanyang mga tauhan, tapat sa kanyang serbisyo bilang Kongresista ng Sarangani sa Mindanao.

Pero ngayon, todo-lait na ang chakang nilalang na ito kay Manny para sa kaibigang ini-emote-tan na si Kuyang Willie Revillame. Porke magkatapat ang show ni yabange rong Willie na Wil time Bigtime at ng Boxing Champ na Manny Many Prizes kung saan madalas matalo sa rating ng huli si WR talagang pati hosting ni Pacman ay pinupuna na ng tupperware na personalidad na ito.

Bakit? Ipinagsigawan ba ni Pacman sa lahat na magaling siyang host? Katangahan namang kwestionin pa siya ukol dito eh, boksingero siya na kilala sa buong mundo na kaya binigyan ng show ng GMA 7 ay para makatulong sa mga kababayan natin. At saka ano naman ngayon kung marami siyang bisitang lagi sa kanyang dressing room? Natural
globally famous si Papa Manny kaya lahat nagkakagulo sa kanya.

Eh, sa dressing room nyo kaya ni Shalalachaka, may dumadalaw man lang ba sa inyo? Meron daw, mga halimaw sa banga hek hek hek! And we should know kung bakit aside sa pabor para kay Willie ang mga lait mo kay Cong. Manny ay ayaw na sigurong mag-give sa iyo nito kaya pa- na’y naman ngayon ang birada mo sa kanya.

Hay naku! Malapit na ang 2012 mag-change ka ng character no? Matigok ka sa inggit nagpa-raffle lang naman ng 1 million cash sa nakaraang bonggacious na Christmas Party for entertainment press ng GMA 7 ang galanteng mister ni Jinkee Pacquiao at kamakailan lang ay umabot sa 1.3  million ang halagang ipina-raffle nito sa lahat ng staff nila sa Manny Many Prizes. Kaya parating win sa laban gyud kasi nagsi-share ng kanyang blessings si Pacman. Agree my BFFT Pete A.?

(Korek, sister! Bubonic is no longer being taken seriously in the industry. Isa siyang langaw na mahilig tumungtong sa madadatung na kalabaw! – Ed)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply