‘Di magbibitiw si Chief Justice Corona– SC

KINUMPIRMA ngayon ni Supreme Court spokesman Atty. Midas Marquez na walang balak magbitiw bilang Punong Mahistrado si Chief Justice Renato Corona matapos na batikusin ito ni Pangulong Benigno Aquino III sa ginanap na Criminal Justice Summit kahapon (Disyembre 5).

Sinabi ni Marquez, walang nabanggit si Corona na magbibitiw ito sa pwesto kahit na sinabi ni Pangulong Aquino na isa siyang midnight appointee ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, at labag umano ito sa batas.

Ani Marquez, napagbotohan na ng Korte Suprema na manatili si Corona kahit na noong nasa kasagsagan pa ng midnight appointment ban noong 2010.

Nagpahayag rin ng pagkadismaya si Marquez sa naging pahayag ng Pangulo at sinabing hindi kasalanan ni Corona na ma-appoint ni Ginang Arroyo.

Nabigla rin umano ni Marquez sa mga naging matatalas na komento ng Pangulo laban sa Kataas-taasang Hukuman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply