DILG humihingi ng tulong sa mamamayan

NANAWAGAN ngayon ang pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para magkapit-kamay para magbigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong “Sendong” sa Mindanao.

Ayon kay DILG Secretary Jesse Robredo, napapanahon lamang na magtulungan sa gitna ng matinding trahedya na dinaranas ng mga taga-Mindanao lalo pa’t ilang araw na lang ay sasapit na ang Pasko.

Dapat lamang umanong isabuhay ang tunay na diwa ng Pasko at mamahagi ng tulong sa mga nangangailangan.

Nanawagan na rin ang DILG sa local authorities para magbigay ng tulong sa mga sinalanta ng bagyo at kumakatok sa puso ng mamamayan para tumulong sa biktima na sinalanta ng trahedya sa Mindanao. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply