DILG problemado sa mga hiling ni GMA

INAMIN ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Ropbredo na nagkakaroon sila ng problema matapos pormal nang mailipat sa Veteran Memorial Medical Center (VMMC) si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon kay Robredo, maayos ang ipinapatupad na seguridad sa loob at labas ng Veterans pero nagkakaproblema sila sa bawat hirit na isinisingit ng kampo ng mambabatas gaya na lamang ng pagpunta sa chapel para magdasal.

Binanggit din ni Robredo na mahigit na ipinagbabawal sa loob ng presidential suite ni Arroyo ang pagpasok ng anumang gadget gaya ng laptop at cellphone.

Kung mayroon man aniyang dala ang mga pamilya nito ay iniiwan sa holding area upang maiwasan na rin ang magkaroon ng komunikasyon sa labas.

Sinabi pa ni Robredo na mahigpit nilang binapantayan ang bawat galaw ng kampo ni GMA upara matiyak ang kasiguruhan ng seguridad nito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply