Dinedma ni mister: Buntis tinusok ng karayom ang sariling tiyan

NAKATAKDANG sumailalim sa operasyon ang isang 26-anyos na limang buwang buntis makaraang tusukin umanong tusukin nito ng karayom ng kanyang tiyan sa La- Union.

Base sa pahayag mismo ng naturang misis na residente ng bayan ng Dingras, Ilocos Norte, hindi siya pinansin ng kanyang mister nang idaing ang pananakit ng tiyan at nais sanang magtungo sa pagamutan upang magpasuri.

Sa halip ay nagpatuloy lang daw ang kanyang mister sa pag-inom ng alak at paninigarilyo sa kanilang bahay kung kaya naisipan nitong kumuha ng dalawang karayom at itinusok sa kanyang tiyan at tsaka lamang naalarma ang mister na dalhin ito sa pagamutan.

Sa kasalukuyan ay nakabaon pa rin sa tiyan ng misis ang mga itinusok nitong karayom at kinakailangang ng agarang operasyon.

Kasalukuyang naka-confine ang misis sa Ilocos Training and Regional Medical Center na nakabase sa lungsod ng San Fernando, La Union.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply