Dingdong Dantes, Marian Rivera balik-tambalan

NAKU masaya na naman si Dingdong Dantes sa bagong soap opera niya. Kasi, nag-decide na ang GMA-7 na i-partner sa bagong soap niya ang kanyang real love na si Marian Rivera. Kahit second choice lang, masaya pareho ang dalawa dahil laging magkasama sila sa set tulad ng “Endless Love” noon.

Original cast ng “My Beloved” ay sina Dingdong Dantes at Rhian Ramos pero nagkaroon ng personal na problema si Rhian ngayon kaya pinalitan siya ni Marian. Dati’y napababalitang si Carla Abellana ang matunog na papalit kay Rhian.

Matutuwa ang libu-libong fans sa muling pagsasama nina Dingdong at Marian.

***

Sen Bong Revilla laking pasasalamat na nasa mabuting kalagayan si Mang Ramon

NANG magkaroon ng Xmas party ang cast at staff ng Kap’s Amazing Stories ay sobrang saya ni Sen. Bong Revilla kasi nga, bukod sa Kapaskuhan na panahon ng sharing ng blessings, ipinagbubunyi ng programa ang pagiging No. 1 lagi sa ratings ng infotainment show ng butihing senador.

Consistent na napasasama sa top 10 programs ng GMA-7 ang Kap’s Amazing Storties.

Samantala, nasabi ni Sen. Bong na masaya siya ngayong Pasko at Bagong Taon dahil in good health ang kanyang butihing amang si dating Sen. Ramon Revilla Sr. Lalong bumuti raw ngayon ang health ng dating senador.

Malaki ang paniniwala ni Sen. Bong na ang Ang Panday ay magiging top grosser sa 2012 Metro Manila Film Festival. Talaga raw kasing pinaganda at ginastuhan ang movie bukod pa sa may mass-based nang tagasubaybay ng manonood ang estoryang Panday na nabasa una sa mga komiks ni Direk Carlo Caparas. Bukod pa rito, laging hit ang Panday series kahit noong panahon pa ng Da King Fernando Poe Jr.

***

MASARAP abangan ang Tween Hearts ngayong Sunday dahil lalabas na ang mga bagong cast ng soap na mapanonood after ng Party Pilipinas.

Papasok na ang pinag-uusapang guwapong anak ni Gary Estrada at Cheska Diaz na si Kiko Estrada.

Bale experimental ang pagpasok ni Kiko sa Tween Hearts dahil ipa-partner agad siya kay Barbie Forteza, ang isa sa lead star ng soap na pang-Tween.

Estudyante pa lang si Kiko. Freshman siya sa College of St. Benilde. Siya’y 17 years old pa lang, super tangkad at super guwapo dahil may pagmamanahan naman, ang kanyang parents.

Aabangan ngayon kay Kiko kung nagmana rin ba siya sa kagalingan sa pag-arte sa amang si Gary.

Aabangan din sa Tween Hearts ang kwento na matapos ng matinding alitan nina Bambi at Belinda, hihiling ng ceasefire ang kanilang ama para lang magkaroon ng katahimikan sa bahay. Ang kaso, dahil sa away ng magkapatid, maaapektuhan na rin ang relationship nina Belinda at Jacob!

Gusto ni Jacob pagbatiin ang girlfriend at ang kapatid nito pero imbes na mapagbati ang dalawa, mukhang si Jacob pa ang mapapasama kay Belinda at sa kapipilit ni Jacob na magkaayos sina Belinda at Bambi, matutulak pa niya si Belinda papunta kay Rick!

Malungkot naman si Bambi sa patuloy na pagde-date nina Josh at Alexa. Pero kahit anong pilit ni Bambi mag-move on, hindi naman niya maiwasang mainis sa tuwing nakikita sina Josh at Alexa na masaya.

***

WALA nang mahihiling pa ang programa ni Michael V na Pepito Manaloto. Kasi, sunud-sunod na award ang tinatanggap ng programa bilang best comedy show. Gayundin ang bidang si Michael V ay nakatatanggap ng best comedy actor.

Sa istorya ngayong Sunday ay bumili ng grand piano si Pepito kahit di siya marunong tumugtog. Gusto sanang ibalik ni Elsa, ang may bahay ni Pepito, pero nakita niyang interesado ang anak na si Clarissa. Aba, marunong pa itong tumugtog agad. Pero, kinuha agad din ito ng tutor sa piano para higit pang matutol.

Si Chito naman ay gusto ang pagda-drive. Gusto niyang matuto agad kaya nagpaturo siya kay Robert. Ano kaya ang problemang umusbong?

Panauhin sina Irma Adlawan at Ken Chan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply