Dingdong Dantes sinira ang ‘moment’ ni Gov. ER

TULUY-TULOY na sana ang momentum ng winning streak ng “Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story” in the 37th MMFF Awards Night noong December 28 nang biglang na na-offffff!, sa pagsingit ni Dingdong Dantes na nanalong Best Actor sa pelikulang Segunda Mano.

Natupad ang gustong mangyari ni Kris Aquino na itataya ang karangalan ng kanyang pamilya para manalo lamang si Dingdong. Para sa kanya, ang aktor ang dapat manalong best actor dahil he gave his best sa role at naiibang Dingdong ang mapanonood sa movie.

Sa puntong ito, it’s quite unfair for Kris na sabihin ito dahil hindi pa naman nito napanonood ang performances nina Jorge Estregan ng Manila Kingpin, Gabby Concepcion and Jericho Rosales ng Yesterday, Today and Tomorrow at ilan pang magagaling na lead actor na may entry sa film fest.

Sa Facebook ay trending ang MMFF Awards Night, may congratulatory comments pero mas marami ang may sama ng loob tulad ng post ni Jobert Sucaldito which says, nagwagi si Kris sa paglakad diumano kay Dingdong Dantes para manalong best actor. Before she left for the states, nag-iwan siya ng dalawang matinding statements para kay Dingdong. Aniya, “Tinataya ko ang karangalan ng pamilya ko para manalo ka ” at “magwala ka pag di ka nanalo.”

Pagpapatuloy pa ng broadcaster/columnist, “How sad naman kung totoo ito na meron tayong kapatid ng presidente na gumagamit ng powers manalo lang ang co-star niya sa Segunada Mano. Sira si Dingdong dito, kung kami sa kanya, isauli niya ang award dahil he knows he’s not truly deserving.

Sira rin ang MMFF dito – nakinig sila sa demand ni Kris – sino pa ang maniniwala sa kredibilidad ng MMFF in the next years, aber?”

May isa pang post si Sucaldito, ito ang pagkakaroon ng Graded A ng Segunda Mano ng Cinema Evaluation Board dahil hindi naman ito halos nakasama sa nomination sa technical aspects ng production. Kaya lang daw ito nakakuha ng gan’ung grado ay dahil miyembro si Bb. Joyce Bernal ng nasabing ahensya at nataong siya pa ang diretor ng pelikulang pinanalunan ni Dingdong.

Ito ngayon ang katanungan, dahil sa kontrobersyang ito sa pagpanalo ni Dingdong, makapag-isip kaya ito na isauli ang award para maibigay sa deserving winner? Mahirap magkomento dahil as of this writing, tanging Manila Kingpin ang aming napanood noong nag-preem night ito. Deserving para sa amin na manalo si Gov E.R. but I have to watch Dingdong’s performance yet bago masabing deserving ang pagpanalo nito.

Kitang-kita sa mukha ng tropang Manila Kingpin ang kaligayahan sa patuloy na paghahakot ng parangal na naudlot lamang nang manalong Best Actor si Dingdong. Dito kami bilib kay Gov E.R., he’s indeed a real trooper, no trace of bitterness sa mukha nito nang siya ang naging presentor immediately after the announcement ng Best Actor award. Kunsabagay, muntik na ngang mahakot ng Manila Kingpin ang lahat ng award, may rason pa bang mag-bitter-biteran nang gabing ‘yun?

The Asiong Salonga movie garnered 11 awards for Best Picture, Best Director for Tikoy Aguiluz, Best Supporting Actor for John Regala, Best Screenplay, Best Story, Best Cinematography, Best Original Theme Song, Best Musical Score, Best Sound Recording, Best Editing, Best Production Design and Gatpuno Villegas Cultural Award.

Other winners ay sina Eugene Domingo for Best Supporting Actress for My House Husband and Bugoy Carino for Shake, Rattle & Roll.

Whew, isa na namang puno ng kontrobersyang awards night!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply