Dingdong Dantes Urong-Sulong Sa Pagpapakasal Kay Marianita Rivera

KAHIT na gusto pa ng kanyang Mommy na magpakasal na siya at the age of 32 na mangyayari next year ay isang pagkatamis-tamis na ngiti lang ang isinukli ni Dingdong Dantes nang tanungin siya ni Toni Gonzaga sa One on One interview nila sa The Buzz last Sunday.

Tungkol sa age limit niya sa pag-aasawa at kung kailan magaganap ang kasalan nila ng girlfriend na si Marianita Rivera, say pa ng hunk actor, para sa kanya ay walang limit ang edad ng tao para magpakasal. Mas maganda kung ini-enjoy muna ang lahat bago mag-settle down.

At nang humirit si Toni kay Dong kung sino ang mas maingay sa kanila ni Marianita, walang kagatul-gatol na inamin ng actor na ang nobyang aktres ang maingay pagdating sa diskusyon sa kanilang relasyon.

Well, hindi kaya ito ang rason kung bakit urong-sulong si Dingdong na pakasalan ang palengkerang siyota? Kasi kapag naging mag-asawa na sila ni Marianita ay baka hindi siya nito patulugin sa talak at ingay ng kanyang bunganga. For a change magbago ka na kasi ng ugali mo nang magkaroon ka na talaga ng tunay na happiness.

Ikaw rin, malapit ka nang maghabol sa biyahe at mahirap ng magsisi!

By the way, palabas na pala ang Segunda Mano na pinagbibidahan ng aktor at ni Kris Aquino at congrats dahil nakakuha ang biggest horror film na ito ng Star Cinema at team ni Kris ng graded A sa CEB o Cinema Evaluation Board. Meaning magandang-maganda at quality movie talaga ito kaya’t hindi kataka-takang pinipilahan ito sa takilya gyud!

Panday 2 Ni sen. Bong Revilla Mas Maganda Pa Sa Harry Potter

Walang halong exaggeration, puwede nang i-level ang Panday 2 ni Senator Bong Revilla sa mga Hollywood fantasy film like Harry Potter na ilang beses ng ginawan ng version. Kumpara sa naunang Panday, mas matindi ang dating ng mga action scenes ni Sen Bong rito katunggali ang hari ng kasamaan na si Lizardo played by multi-awarded actor Philip Salvador. Yes, nag-evolve na talaga ang Panday ni late Fernando Poe Jr. Dahil kay Bong na hindi tinitipid ang production cost ng kanyang pelikula, ang lamang ng Panday 2 sa iba pang entries sa Metro Manila Film Festival 2011 ay ang makatotohanan nitong special effects na puwede na ngang sumabay sa mga international movie.

Roon na lang sa bandang ending, halos hindi na humihinga ang mga nanoood sa premiere night nito last Monday sa SM Megamall Cinema 3 dahil sa sobrang mangha sa aming napanood na eksena kung saan sakay si Sen. Bong ng dragon hawak ang kanyang mahiwagang espada habang nakikipag-sagupaan sa nag-iiba-ibang anyo na si Lizardo.

Walang tigil na palakpakan  talaga ang maririnig mo sa buong sinehan sa sobrang ganda ng pelikula. We would like to extend nga pala our heartfelt thanks to Maam Angel Javier sa pag-invite niya sa amin sa grand presscon ng Panday 2.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply