Dingdong dedma lang sa prophets of doom sa relasyon nila ni Marian

HABANG nagkakasayahan ang lahat sa Christmas part para sa press ng PPL (talent management ni Perry Lansigan) kamakailan, sumimple naman kaming makipagkuwentuhan kay Dingdong Dantes. Tungkol sa plans niya this Christmas ang una naming naitanong sa kanya.

“I just want to stay home,” ana’ng aktor. “And, a… ‘yon lang. Siguro tapos… ‘yong gitna ng Christmas at New Year, gusto kong pumunta sa malayong lugar nang konti.”

Of course, sila ni Marian Rivera ang magkasama sa nasabi niyang planong pagpunta sa malayong lugar.

“Gusto naming mag-ano… e. Gusto naming magpunta sa Boracay siguro. After Christmas iyon.”

Pero ‘yong mismong araw ng Kapaskuhan daw, sa kanyang pamilya siya.

“Oo. Bale sa Christmas eve, sa amin (family niya). Tapos sa Christmas day, punta ako sa kanila (Marian).”

May naiisip na ba siyang Christmas gift for Marian?

“Wala pa. Pero siyempre, a… pag-iisipan kong mabuti iyon.”

Hindi ba mahirap nang mag-isip kung ano naman ang gift niya kay Marian? Para kasing naibigay na halos nila ang lahat ng puwedeng mairegalo para sa isa’t isa.

“Hindi naman. Marami pa. At hindi naman mahirap ano, e… hindi naman mahirap i-please si Marian, e. Kung ano ang maliliit na bagay na gusto niya… mas maganda nga ‘yon.”

Nagpu-produce na siya. Wala siyang plano to produce a movie na silang dalawa ni Marian ang bida?

“A… tingnan natin. Siyempre, mawawala ba iyon? Nando’n iyon sa isa sa mga plano ko.”

Tutal suwerte naman sila ni Marian sa isa’t isa, puwede rin sigurong mag-co-produce din sila gaya nga nila ni Kris Aquino sa movie nilang “Segunda Mano” na isa sa mga entries sa nalalapit na MMFF.

“Alam mo, whatever that will make the industry happy. And whatever na pupuwedeng maka-contribute kami, okey ako do’n.”

Wala pa rin silang planong pakasal ni Marian?

“A… hindi pa namin napag-uusapan. ‘Yong ganyan naman… sa tamang panahon.”

Kahit ilang beses na nilang nilinaw na hindi sila nagli-live-in ni Marian, still ay may gano’ng sapantaha pa rin ang iba sa kanilang dalawa. Hindi ba niya ikinaiinis ‘yong ganitong isyu?

“Hindi naman. Kasi, alam mo… it’s okay. Because hindi naman maiiwasan na maisip iyon, e. Para sa akin, it’s alright.

“But the thing is… sobrang dami naming ginagawa individually, na even if we really want to be with each other everyday, hindi ‘yon possible.

“So… kailangang lubusin namin ‘yong presence ng aming family sa ngayon because… you know, right now they’re there for us.

“Hanggang sa ngayon, okey pa naman sa amin (ni Marian) ‘yong gano’ng set up.

“At saka so far, e… ‘yong mga address naman sa mga lisensiya namin ay kanya-kanya naming bahay.”

Dahil patapos na ang taong 2011, nagsisimula nang magbigay ng kani-kanilang predictions ang mga psychic hinggil sa kung ano ang mga naghihintay na kapalaran o mangyayari sa mga buhay ng ilang artista next year.

Sila ni Marian, hinuhulaan na maghihiwalay daw next year.

At meron pang nagsasabi na may iba raw lalaking makabubuntis kay Marian.

“Okey lang!” natawa ulit na reaksiyon ni Dingdong. “So far, hindi rin naman sila consistent dahil ilang taon na ring nagkakaroon ng gano’ng hula.

“Okey lang ‘yon. Kanya-kanya namang hula ‘yan. Kahit ako, nanghuhula rin ako. Na… laru-laro lang, di ba? Pero… ayos lang ‘yon.  Ayos lang ‘yon.

“Nagkataon lang siguro na nanghula sila, e… na-publicize. So… if that’s their opinion, okey ako roon.

“Basta ang importante… ‘yong commitment at pananalig sa katotohanan at sa Diyos.  Iyon na ‘yun.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply