Dinky Soliman hinarang ni Sen. Miriam sa CA

BIGO si Social Welfare Secretary Dinky Soliman na makuha ang pag-apruba ng Commission on Appointments (CA) nang batikusin ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang grupong Black and White Movement.

Pinuna ni Santiago si Soliman at mga miyembro ng nasabing civil society group na kinabibilangan nina Soliman at ng iba pang mga kaalyado ng Aquino government dahil sa kanilang pagmamarunong at pagmamataas sa mga opisyal ng pamahalaan

Iginiit ng senadora na walang karapatan ang nasabing grupo na tuligsain ang mga matataas at halal na opisyal ng pamahalaan dahil sila mismo ay hindi kailanman naging elected officials.

Kinuwestyon  din ni Santiago ang pagmamataas ng Black and White Movement sa Korte Suprema dahil lumalabas na sila lamang ang may monopolya sa katotohanan at hustisya at  mas marunong pa  sa mga mahistrado.

Kinumpirma ng senadora na ilan sa mga miyembro ng naturang grupo ang una niyang sinabi nagbubulong at nagpapayo kay Pangulong Aquino kahit hindi mga abogado kaugnay sa mga isyung may kaugnayan sa Korte Suprema.

Dahil dito bigong makalusot sa pangalawang pagkakataon si Soliman sa CA.

Ayon kay Santiago, technically bypassed na si Soliman dahil ito na ang huling sesyon ng Senado bago ang kanilang holiday break ngayong taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply