Dinukot na OFW sa Afghanistan, ‘kidnap me’

ISINIWALAT ng isang Filipino community sa Kandahar, Afghanistan, na pineke at “kidnap me” ang pagdukot at pag-torture sa isang overseas Filipino worker (OFW) sa naturang bansa.

Sa pahayag ng grupong Filipinos in Afghanistan, hindi kapani-paniwala ang pagdukot sa 27-anyos na si Mark Ramos dahil nangyari ito kasabay ng pagkawala ng malaking pera sa pinagtatrabahuhan nito.

Dahil dito, nagpahayag ng pagkabahala ang grupo na baka maapektuhan ang kanilang trabaho sa Afghanistan sanhi ng pagtangay ni Ramos ng $100,000 mula sa kompanya.

Nakapagtataka rin umano na ngayon lamang lumabas ang video ni Ramos, gayung noong Enero pa ito sinasabing dinukot.

Nauna nang umapela ng tulong sa pamahalaan ang pamilya ni Ramos na sinasabing sinabuyan ng asido at pinutulan pa ng daliri ng mga kidnapper amatapos magtangkang tumakas.

Wala ring linaw sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa sitwasyon ni Ramos ngunit patuloy silang nakikipag-ugnayan sa pamilya nito.

Nagpahayag naman ng sama ng loob ang pamilya ni Ramos sa mga nagdududa sa pagkakadukot sa biktima ngunit patuloy umano silang makikipag-ugnayan sa kompanyang pinagtatrabahuhan nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply